
Muling umakyat sa mahigit 10,000 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa COVID19 traker ng DOH, lumampas muli ang caseload na may kabuuang 10, 263.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala ang departamento ng 287 na bagong impeksyon.
Tatlong taon mula nang ideklara ng World Health Organization na pandemya ang COVID-19, nakapagtala na ang Pilipinas ng 4,086,620 kaso.
Dagdag dito, 98 percent ay naka-recover na mula sa COVID-19 habang 66,443 ang nasawi na sa nakamamatay na sakit.
Una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na tumaas ang bilang ng virus ngunit nanatiling mapapamahalaan ng departamento.
Nagbabala ang WHO na ang pandemya ay pabagu-bago pa rin kaya marapat na mag-ingat at panatilihin pa rin ang magandang kalusugan upang malabanan ang COVID19.










