-- Advertisements --

Nais ni Deputy Majority leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na magkaroon ng mabigat na parusa ang mga nasasangkot sa awayan sa trapiko.

Ito ang naging dahilan ng mambabatas kaya siya naghain ng panukalang batas para mahikayat ang mga biktima ng road rage na magsampa ng kaso.

Laman ng kaniyang House Bill 8991 o Anti-Road Rage Act na maaring ang gobyerno na ang magsampa ng kaso sakaling umatras ang biktima ng road rage dahil sa takot nito.

Inihalimbawa ng opisyal ang naging kaso ng dating pulis na kinasahan pa ng baril ang siklistang nakaalitan nito sa kalsada ng Quezon City kung saan dahil sa takot ng biktima ay napilitan na umanong makipag-areglo ito sa suspek.