Screenshot 2019 04 29 19 08 19
IMAGE | Office of the Ombudsman, Quezon City

Ipinasususpinde sa Office of the Ombudsman sina Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta at Dr. Erwin Efre kasunod ng pagbuo sa PAO Forensic Laboratory nang hindi dumadaan sa lehislasyon ng Kongreso.

Batay sa mosyong inihain ng isang Atty. Wilfredo Garrido Jr., nakasaad ang reklamo nitong dishonesty, oppression and grave misconduct in the performance of duty laban kay Acosta at Efre, na kasalukuyang hepe ng naturang PAO division.

Ani Garrido, posibleng gamitin ng dalawang opisyal ang pagkakataon para galawin ang record ng PAO pati na ang disbursement ng pondo ng tanggapan.

Nangangamba rin daw ang complainant na baguhin nina Acosta at Efre ang mga dokumento ng mga research.

“The preventive suspension will ensure that any evidence in possession of respondent or in the premises of the Public Attorney’s Office will be preserved.”

Sa ngayon wala pang tugon ang dalawang inaakusahang opisyal.

Kung maaalala, naging maingay sina Acosta at Efre matapos pumutok ang issue ng Dengvaxia vaccine na sinasabing pumatay sa halos 100 kabataan na tinurukan nito.