Pinayagan na ng government’s pandemic task force ang mga establishments na accredited para sa staycation activities na mag-operate ng 100 percent o full capacity.
Kinakailangan lang na lahat ng mga guests ay sasailalim sa coronavirus (COVID-19) testing.
Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang nasabing anunsiyo habang unti-unting binubuksan na ng bansa ang ekonomiya sa gitna ng nangyaring pandemya.
Dagdag pa ni Roque, lahat ng accommodation establishments na mag-o-operate ay kailangang mayroong certificates of authority mula sa Department of Tourism (DOT).
Ang mga nag-eedad 18-anyos hanggang 65-anyos lang ang papayagang makapasok sa mga staycation hotels.
Kung maalala noong Mayo 18, inanunsiyo ng DOT na bukas na ang 13 hotels sa National Capital Region (NCR) para sa staycation matapos isinailalim sa GCQ ang rehiyon.
Ang nasabing mga hotel ay may 5,986 rooms para sa mga turista mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, o mas kilala sa tawag na NCR Plus bubble area. (with reports from Bombo Jane Buna)