-- Advertisements --
Atty. Teodoro Jumamil

Kinatigan ngayon ng Court of Appeals (CA) ang ipinataw na parusang anim na buwang suspensyon ng office of the Omb. laban kay Atty. Teodoro Jumamil, board of director ng Development Bank of the Philippines. 

Ang naturang abogado ay kinainisan ng pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pag-akto ng dalawang posisyon sa Bureau of Customs (BoC) sa kabila ng pagiging board of director nito sa DBP. 

Sa 16 na pahinang desisyon na isinulat ng chairman ng CA Spcial Third Division Associate Justice Japar Dimaampao, ibinasura nito ang inihaing instant petition for certiorari ni Atty. Jumamil dahil sa kawalan ng merito. 

Ayon sa CA, malinaw sa mga documentary evidence na inihain ng Ombudsman na walang lawful or valid appointment si Atty. Jumamil upang umakto ito bilang deputy commissioner at acting chief of staff ng office of the commissioner ng BoC. 

Nauna ng pinatawan ng Ombudsman si Atty Jumamil na guilty ng serious dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service ng Ombudsman dahil sa pagsisinungaling nito kaugnay sa mga nabangit na position 

Pinagpaliwanag din ng CA si Atty. Jumamil, sa loob ng limang araw na kung bakit kinakailangan pa niyang i-file ang petition for certiorari samantalang nag-umpisa na siyang i-serve ang ipinataw na suspesion ng omb nuong  July 1, 2020.