wirecard scandal

Pormal nang inimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang abogadong si Mark Tolentino kaugnay pa rin sa sinasabing pagkakasangkot nito sa Wirecard scandal.

Sinabi ng NBI na sa Lunes nila inimbitahan ang naturang abogado sa imbestigasyon.

Una rito, itinanggi na ng naturang abogado ang alesyong sangkot ito sa multi billion dollar scandal.

Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra na patuloy nang iniimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang travel record ng dating Wirecard chief operationg officer (COO) na si Jan Marsalek na posibleng nasa Pilipinas pa.

Agad daw nilang isusumite kay BI Commissioner Jaime Morenta ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Samantala, sa pagkakaalam naman daw ng BI, nakapasok sa bansa ni Marsalek noong Marso lalo na sa mga panahong wala pa namang travel restrictions.

Noong isang araw nang ipag-utos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa BI at National Bureau of Investigation (NBI) na pumasok na rin sa imbestigasyon sa mga indibidwal na sangkot sa Wirecard scandal na sinasabing nagresulta sa pagkawala ng 1.9 billion Euros o katumbas ng $2.1 billion o mahigit P1.7 trillion.