Nagbabala ang abogado nina Prince Harry at asawang si Meghan sa mga larawan na ipapakalat sa media.

Tinutukoy nito ang larawan ng Duchess of Sussex na naglalakad kasama ang aso nito habang nasa Canada.

Sinabi ng abogado ng mag-asawa na ang nasabing larawan ay kinuha ng walang paalam sa dalawa.

Nauna ng binitawan ng dalawa ang kanilang royal duties at sila ay nanirahan na sa Vancouver kasama ang kanilang walong-buwan na anak na si Archie para makapagsimula muli.