-- Advertisements --
image 121

Pumalag ang abogado ni Deniece Cornejo sa pagkakakulong sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) ni Vhong Navarro sa halip na sa pulisya matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa aktor sa kasong panghahalay.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, dapat daw ay sa Taguig City jail makulong ang comedian-actor alinsunod sa batas.

Paliwanag ni Topacio, ang dapat lamang na ikulong sa NBI detention facility ay ang mga caught in the act at iniimbestigahan ng bureau.

Kung maalala, inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang ikalawang warrant of arrest laban kay Navarro na rape at ito ay walang piyansa.

Samantala, sa panig naman ng aktor, hindi pa nila natatanggap ang commitment order mula sa korte at ang resolusyon na basehan ng demanda. Inihahanda na rin nila ang paghahain ng petition for bail.

Sinabi ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro na igagalang nila ang pasya kung saan dapat maditine ang aktor.

Hinihintay din nila kung kailan babasahan ng sakdal si Navarro.