Nai-turnover na ng mga otoridad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Palawan ang mga natagpuang umano’y ecstacy tablets na inabandona sa banyo ng Puerto Princessa Airport.
Batay sa report ni Philippine National Police-Aviation Security Group Director C/Supt. Dionardo Carlos, ang 80 tableta ay may markang “A8†at “M†sa magkabilang mukha na nakasilid sa isang plastic bag.
Kahapon lang nang matagpuan ito ng utility worker ng Civil Aviation Authority of the Philippines na si Antonio A. Socrates Jr., sa basurahan sa loob ng isang cubicle sa comfort room ng arrival area ng paliparan.
Ibinigay naman ito ni CS/Insp. Edgar P. Cañete sa airport police na silang agad na nakipag-ugnayan sa PDEA-Palawan.
Binirepika sa pamamagitan ng mga drug-sniffing K-9 units ang natagpuang mga tableta at nakatakdang isailalim sa masusing laboratory testing sa PDEA-Manila.