-- Advertisements --
image 147

Aabot na sa P2 billion ang halaga ng smuggled agricultural products ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) noong nakalipas na taon.

Ayon kay Bureau of Customs operations chief and spokesman Arnaldo dela Torre, 30% ng smuggles farm goods ay sibuyas na ang presyo ay pumapalo sa mahigit P600 kada kilo.

Inihayag naman ng ahensya na patuloy nilang palalakasin ang kanilang inspeksiyon.

Karamihan ng shipment na nasabat noong nakalipas na taon ay nagmula sa China kabilang dito ang puslit na sibuyas.

Kamakailan lamang nakakumpiska ng ahensiya ang smuggled onions mula sa shipment na idineklarang mga kasuotan at home products.

Mayroon ding P2 million halaga ng sibuyas ang nadiskubre sa loob ng mas malaki pang shipment na nagkakahalaga ng P17 million halaga ng home products.

Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagdayalogo ng Bureau of Customs sa China at iba pang bansa na pinagmumulan ng mga smuggled goods para matugunan ang iligal na aktibidad.