Plano ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC-EC) na gumastos ng ₱2 bilyon sa susunod na taon para paghandaan ang mga aktibidad sa Malampaya gas field.
Ibinunyag ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation, na may 10-porsiyento na minority stake sa Malampaya gas to power project, ang halagang P2-B na kanilang gagastusin.
Kaugnay ng Senate finance subcommittee deliberation sa panukala nitong ₱11.7-bilyong budget para sa 2024.
Ayon kay President and CEO Franz Alvarez, nagpapatuloy ang paghahanda ng kanilang kumpanya para sa drilling operations sa taong 2025.
Sinabi ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation na nakikita nito ang pagtatapos ng commercial operation ng Malampaya sa loob ng apat na taon.
Nauna nang sinabi ng operator ng Malampaya na Prime Energy Resources Development sa Senate committee on energy hearing na aabutin ng lima hanggang 10 taon para bumuo ng mga bagong gas resources sa parehong lugar ng serbisyo ng Malampaya project sa Palawan.