-- Advertisements --
Dahil sa pagkadiskaril ng tren sa southern Pakistan, 30 katao ang namatay at mahigit 90 iba pa ang nasugatan.
Ayon sa mga awtoridad, sampung bagon ng isang tren na patungo sa lungsod ng Rawalpindi ang nadiskaril sa riles malapit sa train station ng Sarhari sa bayan ng Nawabshah sa Pakistan.
Ilang sasakyan din ang nabaligtad at hinampas ng bagon dahil sa pagkakadiskaril nito.
Ang mga nasugatan ay dinala sa pinakamalapit na ospital na kung saan ang iba ay idineklarang dead on arrival.
Dagdag dito, ang nasabing tren ay may mga sakay na kabuuang 950 na mga pasahero.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkakadiskaril sa riles ng naturang tren.