-- Advertisements --
Apektado ang nasa 1,968 katao sa Ilocos Region at Cagayan Valley dahil sa Super Typhoon Goring (International name: Saola), ayon yan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Base sa latest situational report ng NDRRMC, karamihan sa apektadong residente o 1,339 sa mga ito ay nasa Cagayan Valley. Habang nasa 629 naman ang apektado sa Ilocos Region.
Sa ngayon, 832 katao o 213 pamilya ang nailipat na sa 24 evacuation centers dahil sa bagyo. Mayroon ding 265 katao o 78 pamilya ang nananatili sa ibang lugar sa labas ng evacuation centers.
Nagdulot din si Goring ng P40 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Cagayan Valley.
Kasabay nito hindi rin madaanan ang walong kalsada at dalawang tulay.