Sa unang pagkakataon, kinumpirma ni Angelica Panganiban na siya ay “happily in love” na rin sa ngayon.

Ayon sa 34-year-old actress, hindi nito akalain na magpupursige sa kanyang guwardiyadong puso ang ngayo’y kanyang non showbiz boyfriend at foreigner na nagngangalang Gregg Homan.

Mas maingat lang aniya siya sa pagkakataong ito kaya wish na maging low key lamang ang relasyon o ‘yaong wala nang makikisawsaw kompara sa kanyang nakaraan.

“Wala naman kasing naging pressure. ‘Yun ang naging difference. Parang kalmado lang dumating yung lahat. Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya. Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo,” saad nito sa digital conference ng pelikula nila ni Coco Martin.

Unang nagpahiwatig si Angelica sa natagpuang bagong pag-ibig ay kasabay ng pagpasok ng taong 2021.

-- Advertisement --

Si Panganiban ay isa naging “ex” long time girlfriend ni Derek Ramsay na ngayon ay girlfriend naman ang sexy actress na si Ellen Adarna.