-- Advertisements --
image 199

Maaari ng dumulog ng libre ang mga mayroong problemang legal sa pamamagitan ng legal aid portal na inilunsad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ngayong araw.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng Korte Suprema sa mga abogado sa bansa na gawing libre ang pagbibigay ng legal assistance para sa mahihirap na Pilipino.

Ito ang kauna-unahang web-based legal aid platform na naglalayong maging accessible ang mga pro bono lawyers at law firms para sa mga nangangailangan.

Tinawag na IBP Pro Bono Portal ang naturang online platform na idinisenyo ng isang Australina-based non porfit company na Justice Connect na sumusuporta sa kaparehong mga organisasyon sa mga bansa gaya ng Hong kong, ireland, New Zeland, United Kingdom at Germany.

Ayon sa IBP, ang access sa legal aid ay matagal ng isyu sa mga mahihirap na Pilipino dahilan kayat nahihirapan ang mga indibidwal na walang pinansyal na kapasidad para makakuha ng abogado para sa kanilang legal issues na madalas na biktima ng kawalan ng hustisiya gaya ng wrongful arrest, hindi makatarungang pagkakakulong at pagalis ng basic human rights sa mga ito.

Liban dito, marami din ang nahihirapan sa pagresolba ng land disputes o isyu sa employment.