-- Advertisements --
k 12
Students wearing protective masks join a school activity in Manila, Philippines on Friday, Jan. 31, 2020. The World Health Organization declared the outbreak sparked by a new virus in China that has spread to more than a dozen countries a global emergency after the number of cases spiked more than tenfold in a week, including the highest death toll in a 24-hour period reported Friday. Health officials in the country recently confirmed the Philippines’ first case of the new virus. (AP Photo/Aaron Favila)

Umaasa pa rin ang ilang mambabatas na mabibigyan ng scholarship ang nasa 10,000 estudyante sa buong bansa.

Nakakuha na rin kasi ng commitment ang minorya sa Kamara na magkakaroon pa rin ng student scholars ngayong taon.

Sa naging deliberasyon sa plenaryo ng P30.7-billion 2023 proposed budget ng Commission on Higher Education (CHED) pangunahing issue ang kawalan ng pondo para sa scholarship program ng ahensiya para sa mga mahihirap ngunit deserving na estudyante para sa susunod na taon.

Pero nagkaroon ng pagtitiyak ang ahensiya, sa tulong na rin ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, na mabigyan ng scholarship ang nasa 10,000 estudyante ngayong taon.

Sa interpelasyon ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sinabi nito na natukoy ni Rep. Arroyo ang nalalabing P1.8-billion continuing appropriations mula sa 2021 budget.

Dito daw kukuha ng nasa P400-million na pondo para mabigyan ng scholarship ang mga mag-aaral na kabilang sa listahanan.

Kinumpirma ito ng CHED sa pamamagitan ng kanilang budget sponsor na si Appropriations Committee Vice Chair Janette Garin at nangako na oras na makakuha ng clearance mula sa Department of Budget and Management (DBM) ay agad na ipatutupad.