-- Advertisements --
image 70

Tututukan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Social protection at human capital development sa bansa na maitaguyod sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan na kailangang matugunan ito dahil nakakaapekto ito sa poverty incidence sa bansa.

Kailangan din na remedyuhan ang socioeconomic scarring sa health at education sector na lumalala dahil sa kawalan ng access ng mga mahihirap sa healthcare at gayundin sa remote learning.

Magugunitang nakasaad sa PDP 2023-2028, kasama sa near-term goals ng NEDA ang maiangat ang purchasing power ng mga pilipino at mabawasan ang epekto ng COVID-19 sa vulnerable sector.

Upang makamit naman ang medium term goal, mahalagang matugunan ang socioeconomic inequities at ma-improve ang access ng mga Pilipino sa trabaho.