BOMBO DAGUPAN – Tinutulan ng grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT ang DepEd Order na nagbabawal sa extracurricular activities sa mga paaralan.
Ayon kay France Castro, representative ng ACT Partylist ang mga extra curricular ay pantulong sa academics ng mga bata.
Matagal na panahon aniyang nakulong ang mga bata sa loob ng kanilang bahay dahil sa mahabang panahon na pandemya kaya para sa kanila ay hindi dapat ipagbawal na magkaroon ng mga extracurricular activities.
Katwiran ng ahensya na ang pagnanais na pansamantalang ipagbawal ang mga ilang extra curricular activities ng mga estudyante ay para makapag pokus ang mga mag aaral at guro sa academic.
Pero sa hanay ng ACT, naniniwala silang mas produktibo ang mga estudyante kung may extracurricular activities.
Dapat aniya na magkaroon ng pagkakataon ang mga bata na magawa ang mga extra curricular activities dahil bahagi din ito ng kanilang pag aaral para sa kanilang mental health.
Kailangan aniyang bigyang linaw ng DEPED kung anong mga subject talaga sila nakapokus at paano ipapatupad ang nasabing kautusan dahil naguguluhan ang mga guro.