-- Advertisements --
image 280

Puspusan ngayon ang paghahanda ng Pilipinas paras a pag-host ng 27th Asean Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at Related Meetings ngayong linggo.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma isasagawa ang naturang event mula bukas Oktubre 25 hanggang 29.

Asahan daw na dadalo rito ang mga labor minister at senior labor officials mula sa 10-member states ng Asean na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Pilipinas, Thailand at Vietnam.

Magsasagawa rin ang mga labor official ng meeting kasama ang Asean Plus Three dialogue partners na China, Japan at South Korea.

Sinabi ni Laguesma na magiging chair ng Asean Labor Ministers’ Meeting na ang biennial meetings ay magsisilbing major venue para ma-identify at maging advance sa mga areas ng regional cooperation sa naturang mga isyu na nakakaapekto sa labor at employment.

Ang meeting na isasagawa ngayong taon ay ang pagbabalik ng face-to-face format at magpo-focus sa temang “moving beyond the pandemic and further promoting digitalized, inclusive and sustainable recovery and growth for workers.”

Kasama pa sa mga agenda ng pagpupulong ang pag-review sa progress ng ilang regional programs na may kaugnayan sa skills development, digitalization, climate change at green jobs, industrial relations at ang changing world of work, migration at social protection.

Dagdag ni Laguesma, highlight din ng meeting ang pangangailangan ng mas maraming epektibong regional responses sa unemployment lalo na sa mga rural communities, pagtaas sa presyo ng mga bilihin at ang inflation na siyang malaking banta sa workers’ welfare at well-being sa rehiyon.

Ang mga labor ministers naman ay asahang magkakaisa sa mga prayoridad gaya ng regional actions sa pagpapaganda ng skills para sa employment, pag-upgrade sa competency at professional qualifications standards at ang delivery ng technical at vocational education and training (TVET).

Nais din nilang gumawa ng hakbang para maging accessible ang ICT at digitalization sa lahat at ma-modernize ang agrikultura at mapaganda rin ang agricultural productivity, ma-enhance ang food security at makagawa ng mga bagong trabaho.

Ipinunto ni Laguesma na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang agricultural modernization at food security ang isa sa mga top priorities sa Asean Labor Ministers’ Meeting agenda.