-- Advertisements --

Nais Departmet of Justice (DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang paggamit ng Bureau of Immigration (BI) ng artificial intelligence sa mga paliparan sa bansa.

Sinabi ng kalihim na sa ganitong paraan ay mapapabilis ang proseso ng mga umaalis na pasahero at mabilis din matukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga ito .

Isa ring paraan ang paggamit ng AI technology para labanan ang laganap na human trafficking.

Iminungkahi rin ng kalihim na dapat magdagdag talaga ang Bureau of Immigration ng kanilang tauhan para maiwasan ang mga pagsisiksikan ng mga pasahero.