-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin ang may-ari ng MV Lady Mary Joy 3 na nasunog at ikinasawi ng 31 katao sa karagatan ng Basilan.
Ayon sa Aleson Shippine Lines na nagpaabot sila ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.
Tiniyak nila ang tulong kanilang sasagutin sa mga nasawi at nasugatang biktima.
Patuloy din aniya ang kanilang pakikipagtulungan sa mga otoridad na nagsagawa na ng imbestigasyon sa insidente.
Magugunitang nasunog ang barko habang nasa Baluk-Baluk Island sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi.










