-- Advertisements --
motorcycle riders1

Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinapatupad na dry run sa paggamit ng motorcycle lane sa Quezon City.

Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, palalawigin pa ng hanggang sampung araw ang dry run ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa nasabing lungsod.

Paliwanag niya, layon nito na matulungan ang mga motorista na mas ma-familiarize pa sa paggamit ng motorcyle lane, at upang maihanda na rin ang mga traffic enforcers sa nasabing lugar.

Ang third lane mula sa sidewalk ng Commonwealth Avenue ang itatalaga bilang motorcycle lane, mula sa Elliptical Road hanggang sa Doña Carmen at vice versa.

Layunin nito na mabawasan ang mataas na bilang ng mga vehicular accidents sa lugar na kadalasang kinasasangkutan ng mga motorcycle riders.

Ganap na ipapatupad ng MMDA ang exclusive motorcycle lanes sa nasabing kalsada pagkatapos ng itinakdang dry run nito kung saan pagmumultahin ng Php500 ang sinumang lalabag dito.