-- Advertisements --
image 374

Posibleng magtaas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) dahil sa dalawang linggong maintenance shutdown ng Malampaya Deepwater Gas-to-Power facility na makakaapekto sa gastusin sa kanilang operasyon.

Magtatagal ang maintenace period mula Pebrero 4 hanggang 18 ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ni DOE Undersectrary Rowena Cristina Guevara na bumababa na ang napo-produce kada araw na gas ng Malampaya.

Dahil walang natural gas na magagamit para magproduce ng kuryente mula sa Malampaya, sinabi naman ng Meralco na mapipilitan silang kumuha mula sa alternatibong sources.

Mararamdaman aniya ang epekto nito sa March billing ng mga consumer.

Hinikayat naman ng Department of Energy ang mga planta na iwasan muna ang pagsasagawa ng maintennace upang matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente.