-- Advertisements --

Naghahanap ang gobyerno ng Pilipinas ng private company na kanilang babayaran para mag-manage ng traffic at maparami ang paggalaw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na noong nakaraang taon ay mayroong na silang nakausap ng hindi na nitong binanggit na kumpanya na maaaring mamamahala sa paliparan ng bansa.

Mayroon aniya silang karanasan at kakahayan sa pagpapatakbo ng paliparan at pantalan.

Paglilinaw nito na hindi maaaring maangkin ng pribadong kumpanya ang paliparan na pag-aari ng gobyerno.