Hinatulang ng panghabambuhay na pagkakakulong ng walang parole ang suspek sa 2015 Paris terror attack.
Si Salah Abdeslam na siyang natitirang grupo na responsable sa insidente na ikinasawi ng 130 katao at ikinasugat ng 494 na iba pa.
Naganap ang atake sa mga bars, restaurants, concert hall at ang sikat na Stade de France.
Ang 32-anyos na si Abdeslam ay napatunayan ng korte na guilty sa five counts.
Siya lamang ang pang-limang tao sa France na hinatulan ng life sentence ng walang parole mula ng malegalized ito noong 1994.
Isa rin si Abdeslam sa 20 katao na nadiin sa kaso ang ibang kasamahan nito ay naging magaan ang hatol.
Naaresto si Abdeslam noong 2016 at idineklarang miyembro siya ng Islamic State na responsable sa atake.
Bagamat humingi ito ng patawad sa mga biktima ay hindi naman ito naging sanhi para mapagaan ang kaniyang kaso.










