-- Advertisements --

Target ng Senado at Kamara na ratipikahan bukas, Disyembre 9, 2020, ang bicameral panel report ng proposed P4.5-trillion national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay House Committee on Appropriations chairman Eric Yap, nakatakdang magpulong ulit ngayong araw ang bicameral conference committee para isapinal ang kanilang report.

Pagkatapos na maratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Yap na 10 araw pa ang kakailanganin naman nila para mailimbag ang dokumento bago nila ito maisumite sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak naman din ni Yap na matatapos ang prosesong ito bago pa man sumapit ang Pasko.

“Kung kakayanin ng seven days printing, papasok kami ng December 18, yung libro. If not naman, before Christmas pa rin. Maybe December 21,” ani Yap.