-- Advertisements --

Hindi umano dapat maalarma ang publiko sa panibagong pagbilis sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang 2.7 percent na pagmahal ng mga produkto ay hindi na nakakagulat sa ganitong sitwasyon.

Sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na pasok pa rin ito sa una nilang pagtaya na 2.2 hanggang 3.0% inflation rate para sa nasabing buwan.

Normal lang aniya na magkaroon ng pagbabago sa bayarin sa bahay, singil sa tubig, koryente at maging sa mga produktong petrolyo sa ganitong sitwasyon.