Binatikos ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang aniya’y “fishing expedition” ng Kamara sa franchise hearing ng ABS-CBN.
Sinabi ni Atienza na makalipas ang pitong pagdinig ay wala pa rin aniyang napapatunayan laban sa media giant.
“Humihingi sila ng records, meaning they are on a fishing expedition,” ani Atienza.
Ginawa ito ng kongresista kasunod nang pagpuna sa kanya ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla makaraang batikusin naman ang linya nang pagtatanong ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa mga opisyal at kinatawan ng network.
Nagmosyon pa si Remula na tanggalin sa records ang naging pahayag ni Atienza dahil sa ito ay “unparliamentary” aniya.
Pero sumagot si Atiena at sinabi na isa si Remulla sa nagmomonopolize sa franchise hearing.
“We are a 305-member Congress and this committee represents the Philippine Congress. Sana’y mapagbigay sila. Immediately magre-react siya ng ganiyan, eh nangangahulugan lang na tama po ‘yung aking damdamin na itong hearing natin ay hindi po natin inilalagay sa tamang direksiyon,” ani Atienza.
Pero kalaunan ay ang mosyon ni Remulla ang pinagbigyan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, vice chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.










