-- Advertisements --

Pinutol ng isang babae ang ari ng lalaking nagtangkang gumahasa sa kaniya sa Pakistan.

Ayon sa mga kapulisan ng Punjab, pinasok ng 28-anyos na lalaki ang tinitirahan ng biktima para gahasain.

Lingid sa kaalaman ng suspek na mabilis na nakakuha ng kutsilyo ang biktima sa kusina at naunahan ito.

Nakakuha ng pagkakataon ang biktima kaya pinutol nito ang ari ng suspek.

Itinakbo naman sa pagamutan ang suspek na agad naman ding inaresto ng mga kapulisan.

Lumabas sa imbestigasyon na magkakilala ang dalawa.