Ibinunyag ng Department of Health (DOH) na nangangailangan sila ng budget na P1-bilyon para tugunan ang nagaganap na super El Niño.
Ayon sa DOH, na ang nasabing halaga ay gagamitin bilang operational activities sa loob ng anim na buwan.
Dagdag pa ng DOH na ang halagang P1.165 bilyon ay sumasakop sa 46 priority commodity lines sa 18 regional planning areas mula Nobyembre 2026 hanggagn Abril 2027.
Paliwanag pa ng DOH na ang nasabing panukal ay nananatili pa rin sa technical validation, inventory reconcillation at pag-aapruba ng pondo.
Manggagaling ito sa kasalukuyang DOH appropriations and health emergency funds kabilang ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP at ilang maaring pagkuhanan ng pondo.
Binigyan din ng DOH ng otorisasyon ang Centers for Health Development (CHDs) para i-realign ang operational funds at kumuha ng augmentation para sa support surveillance systems habang nagaganap ang super El Niño.
Pinapalakas na rin nila ang El Niño response plan ang ligtas na inuming tubig at sanitation preparedness.
Mahigpit din binabantayan ng DOH ang mga kahandaan ng mga health facilities partikular na ang pagpapakalat ng mga health personnel na sila ang magdadala sa mga pasyente na tinatamaan ng sakit dahil sa sobrang init ng panahon.















