-- Advertisements --

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa drayber at rehistradong may-ari ng sasakyang umano’y humarang sa isang rumerespondeng fire truck sa Sta. Mesa, Manila, na naging sanhi ng pagkaantala sa pagresponde ng mga bumbero.

Inatasan ang drayber at rehistradong may-ari na humarap sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office sa Disyembre 3 upang magsumite ng kanilang paliwanag at mga kaugnay na dokumento.

Iniutos din ng LTO ang pagsuko ng lisensya ng drayber para sa 90-araw na suspensyon, habang inalerto na rin ang sasakyang sangkot sa insidente.

Nanindigan naman ang ahensya na hindi nito kukunsintihin ang mga motoristang humahadlang sa mga emergency responder dahil maaari nitong ilagay sa panganib ang buhay ng mga nangangailangan ng agarang tulong.