-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang panukalang pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2027 national budget para bayaran ang mga hindi pa nababayarang Guarantee Letters (GL) na inilabas noong 2024.

Sa plenary deliberations ng Senado nitong Miyerkules, tinukoy ni Lacson ang Special Provision No. 2 sa 2027 House General Appropriations Bill na nagpapahintulot na gamitin ang pondo para bayaran ang mga atraso sa accredited at partner service providers.

Ayon kay Lacson, umabot sa P34.27 bilyon ang obligated allotment para sa GL noong 2024. Kinuwestiyon niya kung bakit kailangan pang maglaan ng panibagong pondo sa 2027 kung naobliga na ang naturang halaga.

Ipinaliwanag naman ni Senate budget sponsor Risa Hontiveros na may mga service provider na nahuli sa paghahain ng claims at pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento. Dahil dito, nagamit sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang natitirang pondo para sa GL.

Nilinaw ni Hontiveros na DSWD ang nag-isyu ng mga GL noong 2024. Tiniyak naman ng ahensiya na mas maagang isasara sa 2026 ang panahon ng liquidation upang hindi na maulit ang kaparehong sitwasyon.