-- Advertisements --

Walang nakitang gaanong epekto ang Philippine National Police (PNP) sa tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela.

Ayon kay Police Brigadier General Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng Philippine National Police (PNP), na base sa kanilang mga pag-iikot ay may ilang mga pampasaherong sasakyang pumasada.

Ibinahagi din ng police official na mayroong inilaan ang mga kapulisan ng libreng sakay para sa mga naapektuhang pasahero.

Nagpakalat din ang sila ng mga kapulisan sa mga lugar kung saan nagsagawa ng pagtitipon ang mga miyembro ng transport group.

Una ng sinabi ng Department of Transportation na naglaan sila din ng libreng sakay sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.

Isinagawa ng grupong Manibela ang tigil-pasada bilang pagkontra sa pagpapalipat ng ilang opisyal ng Land Transportation Office ganun din ang kakulangan ng pagpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong langis.