-- Advertisements --

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya ang kampo ni Veronica Duterte matapos matanggap kahapon, Nobyembre 24, 2026, ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura bilang moot o wala nang saysay ang mga petisyon.

Ito ay para sa habeas corpus petition kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa resolusyon, hindi naglabas ng pasya sa pagiging legal ng pagdadala kay FPRRD sa The Hague.

Ayon sa pahayag ni Atty. Salvador Paolo A. Panelo Jr., abogado ng petitioner na si Veronica A. Duterte, mayroon silang nakatakdang ihain na motion for reconsideration.

Giit ni Panelo, bagama’t may kaukulang paggalang sa Korte Suprema, ang naging pasya ay tila nagpapababa sa writ of habeas corpus sa isang karera upang mailabas sa teritoryo ng Pilipinas ang isang nakadetine bago pa man makakilos ang mga hukuman.

Inaasahang magsisimula ang trial ng kaso ng dating pangulo sa ICC sa darating na Nobyembre 30, 2026.