-- Advertisements --

Naging kuntento si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa performance na ipinapamalas ng kaniyang koponan.

Ito ay matapos na manalo sila sa nag-iisang tune-up games ilang araw bago ang pagsisimula ng fifth window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Seremban, Malaysia.

Tinalo kasi ng Gilas Pilipinas ang Malaysian ball club na KL Hornbills.

Isa mga hinangaan nito ay ang mabilis na makapag-adjust ng bagong naturalized player na si Bennie Boatwright.

Sa loob lamang kasi ng kaunting panahon noong mapili si Boatwright ay naging kabisado na nito ang sistema ng Gilas Pilipinas.

Dagdag pa ni Cone na nagkaroon ng pagkakataon si Boatwright para makapaglaro sa iba’t-ibang mga Gilas players.

Binigyang halaga ni Cone ang pagkakaroon ng tune-up games para makabisado ng mga manlalaro nito ang galaw ng bawat isa.