-- Advertisements --

Tiniyak ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa kanilang kaalyado na kanilang ipagtatanggol ang mga ito sa anumang banta sa kanilang himpapawid.

Kasunod ito sa ulat na naghahanda ang Russia sa paglunsad ng nuclear-armed satellite.

Ayon kay NATO chief Mark Rutte, na bawat pulgada ng teritoryo ng NATO ay kanilang dedepensahan para ito ay maging ligtas.

Base kasi sa mga nakung impormasyon ng NATO na ang paglunsad ay maaring isagawa sa susunod na 60 na araw.

Mariing pinabulaanan naman ito ng Russian embassy kung saan ito umano ay isang uri ng paninira lamang.

Nagmula ang impormasyon base sa intelligence report na nakalap mula sa bansang Germany.

HIndi naman nagulat ang NATO kung maglulunsad ang Russia ng bagong nuclear weapon dahil ito ay hindi kagulat-gulat .

Kabilang ang Russia na pumirma ng 1967 Outer Space Treaty kung saan ipinagbabawal ang mga weapons of mass destruction mula sa kalawakan.

Ilang sa mga bansang kasama ay ang US at China.

Taong 2024 ay pinagbintangan ng US ang Russia na guamagawa ang mga ito ng “spaced-based” anti-satellite weapon na armado ng nuclear warhead.