-- Advertisements --
Humingi ng pagdarasal ang aktres na si Ruffa Gutierrez para sa kaniyang ina na si Annabelle Rama.
Sinabi ng nito na naging cancer-free na ang ama nito na si Eddie Gutierrez habang ang ina ay mayroong dinaramdam.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang aktres ukol sa pinagdadaanan ng ina.
Naging emosyonal ang aktres kung saan una ay nagpasalamat ito sa nagdasal para sa ama subalit ngayon ay humling ng pagdarasal para sa ina.
Nakalabas na aniya sa pagamutan ang ina at nasa bahay ito na nagpapagaling.
Dahil sa mga nagaganap na problema sa kalusugan ay mas napagtutuunan na niya ngayon ang kahalagahan ng malusog na pangangatawan.














