-- Advertisements --

Mayroong ng dalawang ensayo ang ginagawa ng Gilas Pilipinas sa isang araw bilang paghahanda para sa fift window ng FIBA World Cup Asian Qualifier na gaganapin sa Malaysia.

Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na kumpleto ang 12 na manlalaro na nakarating sa Malaysia.

Pinakahuli na dumating ay ang bagong naturalized player na si Beannie Boatwright.

Dagdag pa ni Cone na mula noong dumating ang halos lahat ng miyembro ng Gilas Pilipinas nitong Sabado ay sinimulan na nila ang ensayo.

Kinabibilangan ito nina CJ Perez, Juan Gomez de Liaño, Chris Newsome , Troy Rosario, Kai Sotto, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Mike Philips, AJ Edu , Boatwright at Quentin Millora-Brown.

Target ng Gilas Pilipinas na ma-sweep ang window para makakuha ng isang puwesto sa tatlong World Cup spots sa Group o ang best fourth-placer sa dalawang grupo ng ikalawang round.

Mayroon kasing apat na panalo at apat na talo ang Gilas sa Group E kung saan kapwa parehas naman ang standing ng Iran at Jordan na mayroong limang panalo at tatlong talo.

Ilan sa mga maaring magdala ng tsansa ay makakaharap ng Jordan ang New Zealand at Australia habang ang Iran ay mayroong Australia na nakalinya.

Dominado ng Australia ang alban na mayroong walong panalo at wala pang talo habang pangalawa ang New Zealand na mayroong anim na panalo at dalawang talo.

Sa araw ng Biyernes ay unang makakaharap ng Gilas ang Syria at sa araw naman ng Linggo ay makakaharap nila ang Iran.