-- Advertisements --

Mga bansa sa UN COP31 sa Turkey, bigong makabuo ng bagong kasunduan laban sa Climate Change
Loop: COP31, climate change

Nabigo ang mga bansa sa buong mundo na makabuo ng isang malaking kasunduan laban sa climate change matapos lumitaw ang matinding pagkakahati-hati ukol sa fossil fuels at pondo sa UN COP31 talks sa Turkey.

Umabot hanggang Linggo ang negosasyon na naging pinakamahabang UN climate conference sa kasaysayan, ngunit tinutulan ng European Union at Pacific island nations ang pinal na borador dahil hindi nito direktang binanggit ang pagtigil sa paggamit ng fossil fuels.

Umalma rin ang mahihirap na bansa dahil sa kawalan ng malinaw na pangakong pinansyal mula sa mayayamang nasyon upang tulungan silang makaangkop sa matinding epekto ng pag-init ng mundo.

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya si UN Secretary-General Antonio Guterres at binatikos ang malalaking interes sa fossil fuel na umano’y humaharang sa mga polisiya habang kumikita nang malaki.

Pinangangambahan din ng mga eksperto na lalagpas na ang mundo sa 1.5°C warming limit na itinakda sa 2015 Paris Agreement dahil sa mabagal na aksyon ng mga pamahalaan.

Sa kabila ng pagbagsak ng pangunahing kasunduan, nagkasundo pa rin ang mga delegado sa pagsuporta sa “just transition mechanism” para sa mga manggagawa at sa target na dagdagan ang paggamit ng kuryente sa global energy bago ang 2035.