-- Advertisements --
Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda ang kanyang kauna-unahang ‘flag raising ceremony’ ngayong araw.
Kasama ang ilang mga ‘associate justice’, opisyal at kawani ng Korte Suprema, sama-samang isinagawa ang naturang seremonya.
Sa talumpati ni CJ Zalameda, kanyang binigyang diin na hindi dapat nasa iisang tao lamang nakasentro ang Kataas-taasang Hukuman kundi sa paglilingkod sa taumbayan.
Itinuturing aniya ang kanyang sarili bilang kinatawan lamang ng Korte Suprema kasabay sa layunin makipagtulungan sa lahat ng mga miyembro nito.
Ayon sa bagong punong mahistrado, umaasa siya sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan ay masasabi niyang buong panahon ay naging lingkod siya ng katarungan.















