-- Advertisements --

Buong gilas na inirampa ni Miss Universe Philippines Bea Millan Windorski ang kaniyang bughaw na swimsuit sa swimsuit segment ng Miss Universe 2026 preliminary competition sa Puerto Rico nitong Lunes, Nobyembre 23.

Umeksena si Windorski sa stage suot ang agaw-pansing blue two-piece na may white cape, likha ng Filipino designer na si Rian Fernandez, sabay ang ipinamalas nitong kaakit-akit na parasela at kalkuladong turns.

Kamakailan lamang, ibinida ng pambansang pambato ang kaniyang national costume bilang pagpupugay sa kababaihan ng Kalinga, suot ang tradisyonal na kasuotang hango sa sikat na Banga dance.

Samantala, nakatakda namang idaos ang inaabangang coronation night sa Puerto Rico sa darating na Nobyembre 25 (local time).