Nakiisa ang lungsod ng Marikina sa pagdiriwang ng National Bike Day 2026 kung saan nagkaroon pa ng kakaibang aktibidad.
Higit 30 drayber ng pedicab kasi ang nagkarera sa isinagawang ‘pedicab race’ sa tapat ng Marikina City Hall.
Pinanganuhan mismo ni Marikina Mayor Maan Teodoro ang naturang aktibidad kasabay sa pagkilala sa kahalagahan ng mga pedicab.
Naniniwalang bahagi ito sa pang-araw-araw na transportasyon at hanapbuhay ng mga residente kaya’t pati pagsuporta ay tiniyak ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa alkalde, patuloy anilang ini-improve ang mga bike lanes sa lungsod pati mga pailaw upang maseguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Tinatayang nasa 19,000 siklista aniya kada-araw ang dumaraan sa Marikina City.
Bukod sa pedicab race, tampok din ang iba pang mga aktibidad tulad ng bike ridem heritge bike tour, push bike race para sa mga bata, libreng bike lessons at iba pa.















