-- Advertisements --

Binalaan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na mahaharap sa expulsion ang mga mag-aaral nanapatunayang nambully ng kapwa estudyante.

Ayon sa Kalihim na ito ang nakasaad bagong polisiya ng DepEd.

Isinagawa nito ang pagbabala sa naganap na pambubully ng ilang estudyante lalaki sa kaklase nilang babae sa Malinao, Aklan.

Giit nito na mula pa noong Senador siya ay adbokasyia na nito ang pagprotekta sa mga bata at lalo na ito ay Kalihim na ng DepEd ay mas pinalakas nito ang pagprotekta sa pamamagitan ng pagbago sa implementing rules ng batas.

Dagdag pa ni Angara na base sa DepEd Order 006 ng 2026 o ang ESMLE Policy na kanilang pinaigting ang kanilang kasagutan sa mga bullying kasama na ang expulsion at posibleng disiplinary actions.

Natitiyak niya na kaniyang papanagutin ang sinumang napatunayang lumabag sa batas.