Nagkita na sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.
Kapwa dumadalo kasi ang dalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation forum (Apec) sa China.
Nitong gabi ng Miyerkules, Nobyembre 18 ng dumating sa China si Trump.
Unang sumalubong sa kaniya sa tarmak ng paliparan si Chinese President Xi Jinping kasama ang asawa nito.
Pagkalipas ng ilang segundo ay lumapit na rin sa kanilla si Putin at nakipagkamay sa US President.
Ito rin ang unang pagkakataon na nagkita ang tatlong pangulo ng mga makapangyarihang bansa.
Inaasahan na magkakaroon ng pag-uusap sina Trump at Putin kung saan ang tatalakayin ng dalawa ay ang giyera sa Ukraine.
Subalit ang pangunahing adhikain ng APEC Summit ay ang pag-uusap ng US-China-Russia.
Bagamat hindi isinapubliko ng tatlong lider ang kanilang tatalakayin ay marami ang naniniwala na ito ay iikot sa mga giyera sa Ukraine, Iran, paglaganap ng mga nuclear, tensiyon sa kalakalan at ang pagpapalago ng artificial intelligence.
Huling nagkita sina Trump at Putin ay noong Agosto 2025 noong magtungo si Putin sa Alaska para sa pag-uusap sa giyera sa Ukraine subalit hindi naisakatuparan ang napag-usapan.













