-- Advertisements --

Patay ang dalawang robbery suspek matapos na makipagbarilan sa mga kapulisan sa lungsod ng Taguig.

Nangyari ang insidente dakong 12:40 ng hapon sa Cayetno Boulevard ng Barangay Ususan.

Nagsasagawa ng intelligence operation ang isang police sa lugar.

Habang nakatayo ito sa isang kainan at malapit ng carwash ay lumapit ang suspek at nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Tinangka ng suspek na kunin ang suot nitong gintong kuwintas hanggang sa makipagpambuno ang mga ito.

Agad na tumawag ang biktima sa emergency 911 at dumating ang ibang mga kapulisan.

Nakipagpalitan ng putok ang mga suspek habang ang mga ito ay tumatakas kaya gumanti ng putok ang mga kapulisan.

Sugatan ang isang pulis matapos matamaan sa balikat habang agad na nasawi ang dalawang suspek.

Kinumpirma rin ng mga kapulisan na ang isang suspek na napatay ay mayroong record sa iba’t-ibang krimen sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Pinuri ni PBGen. Rodel Pastor, director ng Southern Police District, ang mga kapulisan ng Taguig dahil sa mabilis na pagresponde.