-- Advertisements --

Sugatan ang apat na katao matapos na sila ay pagbabarilin ng suspek sa Washington DC.

Ayon sa kapulisan, naganap ang insidente sa Logan Circle neighborhood kung saan bigla na lamang binaril ng 55-anyos ang ilang katao doon.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas palabas ang suspek at nag-lock ng sarili sa kaniyang apartment.

Nakipagbarilan pa ang suspek sa mga rumespondeng kapulisan hanggang binaril nito ang kaniyang sarili.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang bikitma.

Base sa inisyal na imbestigasyon nagkaroon ng alitan ang suspek at ang may-ari ng apartment kung saan ito naninirahan.

Ipinarating na ni Washington, DC, Mayor Muriel Bowser ang insidente sa White House.