-- Advertisements --

Inusisa ni House Prosecution counsel, Atty. Reynaldo Robles ang testigo ng Defense panel na si Chadrin Parian ukol sa pagnanais niyang matulungan si Atty. Mans Carpio sa anumang paraan sa ilalim ng kaniyang kakayahan.

Bago nito ay tinanong ni Atty. Robles kung gaano na katagal ang pagkakaibigan nina Parian at Carpio. Inihalimbawa ni Robles ang ilang beses na pagsasama ng dalawa sa mga sports tournament sa abroad at dito sa Pilipinas.

Tinanong din ni Robles kung sino ang kumausap kay Parian upang tumestigo.

Ayon kay Parian, dati lang nilang napag-uusapan sa kanilang grupo kung paano pwedeng tumulong kay Carpio matapos ngang lumabas sa impeachment trial ang tungkol sa malaking bulto ng mga sapatos na binili ni Atty. Carpio para sa mga player.

Bulweta ni Robles, ito ang kaniyang ipinupunto – na handa ang defense witness na si Parian na tumulong o tulungan si Carpio sa nagpapatuloy na trial.

Iprinisenta ng Defense si Parian upang ipaliwanag ang isyu ukol sa P256,882.50 credit card purchase na ginawa ni Atty. Carpio, sa isang kilalang shoe store sa Kuala Lumpur, Malaysia.