-- Advertisements --

Bitbit ang kulturang Pilipino sa pandaigdigang entablado, ipinakita ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang isang silk creation na likha ng designer na si Jaggy Glarino para sa ikaapat na araw ng kanyang paglahok sa 75th Miss Universe sa Puerto Rico.

Hango ang kasuotan sa pamilyar na disenyo ng kumot na bahagi na ng maraming tahanang Pilipino at alaala ng iba’t ibang henerasyon.

Binigyang-pugay ni Bea ang kanyang pinagmulan at ang kulturang dala niya sa pandaigdigang kompetisyon.

Kasabay nito, isinagawa rin ang orientation ng mga kandidata bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon.