Pinag-aaralan ng aktres na si Kim Chiu na sampahan ng kaukulang kaso ang mga indibidwal at mga online platforms na nagpapakalat ng fake news laban sa kaniya.
Sa kaniyang social media account, sinabi nito na pinag-aaralan na ng kaniyang legal team ang nasabing hakbang.
Ilan aniya sa nakikita nito ay ang panghihimasok sa kaniyang pribadong buhay.
Paglilinaw pa ng aktres na maaaring gamitin ang social media sa tamang paraan.
HInikayat din nito ang publiko na maging responsable sa paggamit ng social media.
Hindi rin aniya dapat na lahat ng mga pinagdadaanan nito ay ikalat sa social media.
Kaniya ring binatikos ang paggamit ng kaniyang pangalan ng ilang social media influencers para lamang sila ay kumita.
Magugunitang noong mga nagdaang buwan ay pinakulong nito ang sariling kapatid dahil sa pagwawaldas ng pera ng kaniyang kumpanya.















