-- Advertisements --

Dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) si Pinoy rock legend Mike Hanopol ng Juan Dela Cruz band.

Ito ay dahil sa natatanggap niyang pambubully at ang iligal na paggamit ng kaniyang mga kanta.

Ayon sa 80-anyos na singer at gitarista na noong tatlong buwan ang nakakalipas ay dumanas siya ng online bullying.

Hindi nito kilala ang nasa likod ng bullying dahil sa gumagamit ito ng iba’t-ibang pangalan sa social media.

Bukod pa doon ay ginagamit rin ang kaniyang kanta ng walang anumang paalam sa kaniya.

Inamin nito na mayroong ilang gumagamit pero mayroong respeto ang mga subalit ang kaniyang inirereklamo ay walang paggalang sa kaniya.

Sinabi naman ni NBI Director Melvin Matibag na naghain ng reklamong paglabag sa cybercrime law at intellectual property rights ang beteranong singer.

Dagdag pa nito na tila nababastos ang singer kapag pinagsasabihan pa niya ang mga ito kaya ito ay isang uri ng pambubully.

Tiniyak ni Matibag na magsasagawa na ng imbestigasyon ang kanilang Cybercrime Division sa rekamo ng beteranong singer.